0%

Mulat

Out on: The Shelf Records


Tracklist:


Mulat

Mulat

Mistula

Add all tracks to playlist

Words:


Tuwing magtatagpo ang mga palad ko

Habang nakatungo’t tinitingala ka

Mula sa tiis ng pagkakaluhod,

Tuwing pumipikit ako, lumiliwanag ang lahat:

Na ginampanan ko’ng nararapat

At tiyak, may naghihintay na basbas at aleluya.

Dahil ni minsan, di nag-atim na lumihis sa itinakda.

 

Tuwing pumipikit ako, lumilinaw ang lahat

Kung bakit, di katulad ng iba’ng taksil, mapanupil

Di mo sila hinayaang mag-hari sa

di karapat-dapat kong katawang pinagod

Ng walang-katapusang prusisyong

Ama namin at amen.

 

Masusi silang pinapanood, at napapapikit ako:

mahigpit, hanggang mapaluha sa galak

Dahil di mo ako hinayaang

Maging katulad nila.

Ako’y umaawit ng kagalakan.

 

Pag sarado ang mata, kay daming nakikita.

 

Tuwing pumipikit, nagkakaroon ng saysay

Ang lahat ng pasakit: ginawa sa ngalan mo.

Kaya’t napapawi ang takot at pangamba.

Dahil alam ko, ako lang ang nararapat sa iyong tabi.

SHARE

Release:


Play Cover Track Title
Track Authors